PATAY ang isang 52-taong-gulang na sales agent-broker matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem kagabi sa Barangay Upper Bilolo, Orion, Bataan.
Sa inisyal na report mula sa Orion Police, kinilala ang biktima na si Ruth Rafa y Perello, nakatira sa NPR Subdivision Upper Bilolo sa naturang lugar.
Nabatid sa pangunang imbestigasyon ng pulisya na ang mga salarin ay dalawang lalaki na lulan ng isang motorsiklo na mabilis na tumakas matapos pagbabarilin ang biktima habang nakaupo sa terrace ng kanyang tahanan hawak ang kanyang smartphone.
Nakuha sa crime scene ang ilang piraso ng spent shells mula sa caliber .45 pistol na ginamit ng gunman.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.