Dried seahorse shipment, nasabat ng Coast Guard sa Bacolod

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang joint law enforcement operation ang tinatayang P460,000 halaga ng dried seahorse sa Banago Port sa Bacolod City nitong Marso 26.

Ayon sa PCG, ang illegal na pakete ay patungong Iloilo City at nadiskubre  sa pre-departure  inspection sa mga  pasahero sa isang Roro vessel na MV Fast Cat M3.

Katuwang ng PCG ang Philippine National Police – Maritime Group sa operasyon nang madiskubre ang shipment na idineklarang “dried fish” sa Bill of Lading ng isang Renante Panaquiton na siyang nagpadala sa hindi kilalang consignee sa Iloilo City.

Isinagawa naman ang imbentaryo sa nasabat na shipment nang dumating sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Dito natuklasan na naglalaman ang pakete ng mahigit labing limang kilo ng iba’t-ibang sukat ng dried seahorse na umaabot sa nasabing halaga.

Ang nasabat na illegal parcel ay itinurn over naman sa BFAR para sa kaukulang pagsisiyasat at tamang disposisyon.

Ayon sa PCG, ang pangongolekta o pagbebenta ng seahorse ay ipinagbabawal sa ilalim ng RA 8550 o “The Philippine Fisheries Code of 1998.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.