RT-PCR test ng mga tripulante ng MT Clyde, naudlot

NAUDLOT ang inisyal na iskedyul ng RT-PCR testing ng mga tripulante ng MT Clyde na naka-angkla sa karagatang bahagi ng Albay.

Ayon sa  Philippine Coast Guard (PCG), itatakda na lamang ng health officials ang pagsusuri sa mga tripulante sa susunod na mga araw.

Paliwanag ng PCG, nang magpulong aniya ay inisyal iskedyul lamang sana kahapon at ito ay hindi pa kumpirmado.

Matatandaan na nakasakay sa MT Clyde na galing Indonesia ang 19 na tripulante, kung saan 11 ay positibo sa COVID-19.

Kailangang i-swab test ang 19 na tripulante dahil masikip ang living spaces o sitwasyon sa MT Clyde at malaki ang posibilidad na sila ay magkahawaan.

Sa oras naman na magawa na ang RT-PCR tests at makuha ang resulta ay malalaman kung ilan talaga sa kanila ang positibo sa COVID-19.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang mandatory quarantine ng mga tripulante ng nasabing sasakyang pang-dagat.

Bantay-sarado rin ng PCG at mga katuwang na ahensya ang sitwasyon dito upang masiguro na walang makakababa na hindi dumadaan sa wastong protocol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.