Breaking News

Share this information:

KINALAMPAG ng grupong League of Parents of the Philippines (LPP) ang  punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila para aksiyunan ang disqualification cases laban sa Kabataan Partylist, maging sa Gabriela Womens Partylist para sa Eleksyon 2022.

Ayon sa grupo, ang dalawang militanteng party-list groups ay hindi dapat hayaan na makasabay sa eleksyon at makaupo sa Kamara.

Hinihikayat lamang umano ng partylist groups  ang mga kabataan  at estudyante na mamundok, labanan ang gobyerno o sumapi sa makakaliwang grupo o sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), na anila’y dapat na ituring ng mga terorista.

Ayon pa sa LPP, sa pamumuno ni Remedios Rosadio, ang militanteng partylist ay wala namang nagagawa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya sayang lamang ang pondo.

Anila, para lamang sa mga organisasyon na tunay na kumakatawan sa marginalized sector at hindi kumampi sa mga terorista ang partylist system.

Umaasa naman ang LPP na maririnig ng Comelec ang kanilang hiling, at maglabas na ng pasya sa lalong madaling panahon .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: