Rollout ng AstraZeneca vaccines, sa Marso 8 na — DOH

Share this information:

Magsisimula na ang roll out ng AstraZeneca vaccine kontra COVID-19 sa Lunes, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabot sa mahigit sa 243,000 indibidwal ang mabibigyan ng unang batch ng AstraZeneca vaccine.

Nagsagawa lamang umano ng ceremonial activity ngunit ang pagsisimula ng opisyal na pagbabakuna ay sa Marso 8.

Nilinaw naman ng opisyal na wala pang sapat na ebidensya na nagsasabing hindi gaanong epektibo ang AstraZeneca laban sa South African variant ng Coronavirus disease.

“Napakaliit lamang din po ng pinag-aralan nila na populasyon, so therefore the experts are saying that is not conclusive and there is still no adequate evidence for us to say that AstraZeneca will not be effective against these variants,” ayon pa kay Vergeire.

Kaya ang rekomendasyon aniya ng World Health Organization (WHO) at mga eksperto sa bansa ay ipagpatuloy ang pagbabakuna ng AstraZeneca para makuha ang  ating proteksyon laban sa mga kaso at variants. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dharavi model vs. COVID-19 transmission, pinag-aaralang ipatupad sa MM

Sat Mar 6 , 2021
Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) at ng mga eksperto ang posibleng pag-adopt o pagpapatupad sa Metro Manila ng “Dharavi Model” laban sa pagkalat pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mga nagsulputang United Kingdom (UK) at South African variant sa bansa. Nabatid na ang Dharavi model ay […]

Follow Us

%d bloggers like this: