Dalawa, timbog sa ilegal na droga sa Laguna

Arestado sa buy-bust operation ang isang High Value Individual at miyembro di-umano ng isang drug group syndicate at ang kasama  nito kahapon  sa Alaminos, Laguna.

Sa ulat ni Laguna Police Provincial Director PCol. Serafin Fortuno Petalio II kay Calabarzon Regional Director Police Brig. Gen. Felipe Natividad, kinilala ang mga suspek na sina Richard Carpena y Alban, 34 anyos, at Alvin Cailao y Sorro, 34 anyos, na parehong residente ng Barangay San Jose, Sto. Tomas Batangas.

Timbog ang dalawa matapos magsagawa ng operasyon ang Provincial Intelligence Unit (PIU) at Alaminos Municipal Police Station sa Barangay San Benito Alaminos, Laguna.

Huli sa akto ang mga suspek matapos magpanggap na poseur-buyer ang mga operatiba na bumili ng isang  pirasong small heat transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nang kapkapan ang mga suspek nakumpiska ang dalawang pirasong transparent plastic sachet ng shabu, P300 na ginamit bilang drug money, at isang asul na small pouch kung saan may lamang 1,000 pesos buy-bust money.

Napag-alaman na kabilang si Carpena sa Nestor Mendoza Drug Group na siyang nagbebenta at nagsu-supply ng ilegal na droga sa ilang kalapit lugar.

Nasa kustodiya na ng Alaminos MPS ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Article 11  ng RA 9156 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang mga ebidensiyang nakalap ay dinala naman sa Provincial Crime Laboratory Office (PCLO) upang suriin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.