Riding-in-tandem, patay sa engkuwentro; bangkay ng lalaki, nakita sa Binan

Share this information:

Nagkaputukan ang ginawang paninita ng Highway Patrol Group (HPG) PRO4-A at SWAT Team ng Binan City Police Station (CPS) sa hinihinalang riding-in -tandem kaninang alas 3:25 ng madaling araw sa Langkiwa Service Road, Barangay Langkiwa, Binan City, Laguna.

Nagsagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng SWAT Binan CPS at HPG sa Barangay Langkiwa –Timbao Road, Binan City kung saan tatlong lalaki ang magkakaangkas sa isang motorsiklo.

Nang sitahin ito ng mga operatiba at pahintuin ay biglang tumalon ang magka-angkas sabay bumunot ng baril.

Walang habas na pinagbabaril ng mga ito ang mga pulis, na ginantihan naman ng putok ang mga suspek. Mabilis namang tumakas ang driver ng motorsiklo ngunit nasukol din ito ng ilang pulis na nakapuwesto sa lugar na kanyang tinakasan.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang mga suspek at dinala sa Ospital ng Binan ngunit idineklarang Dead on Arrival.

Samantala, natagpuan naman kaninang alas-2 ng madaling araw ang bangkay ng isang lalaking hinihinalang itinapon sa Barangay Mamplasan, Binan City.

Ipinagbigay-alam agad sa pulisya ng barangay tanod na  si Anselmo Villavecencio y Gecana ang natagpuan nitong bangkay.

May suot na itim na pang itaas at gray na shorts ang bangkay. Nakatali naman ang dalawang kamay nito sa likod at mga paa habang ang kanyang mukha ay balot ng packaging tape.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawa, pinagbabaril sa loob ng barangay hall sa Laguna

Thu Feb 25 , 2021
Humantong sa kamatayan ang panonood ng telebisyon ng isang retiradong pulis habang ang  hepe ng barangay tanod ay malubhang sugatan matapos pagbabarilin ang mga ito ng di pa nakikilalang mga armadong lalaki sa loob mismo ng barangay hall sa Purok 1, Barangay Mapagong, Calamba City, Laguna kagabi. Natukoy ang mga biktimang […]

Follow Us

%d bloggers like this: