Negosyante, inambush, isa patay

Share this information:

BATANGAS–Inambush ang isang negosyante habang patay naman ang driver nito kaninang madaling araw sa San Jose, Batangas.

Sinabi ni San Jose Municipal Police Station Chief Maj. Neil Christopher Gaspar na ang sugatang negosyante ay si Milo Guce Raz, 53 anyos.

Dead on the spot naman ang driver nitong si Virgilio Monforte, Jr., 40 anyos.

Base sa imbestigasyon, minamaneho ni Monforte ang Isuzu truck na puno ng itlog at binabaybay ang kahabaan ng Barangay Banay-banay bandang alas 2:30 ng madaling araw kanina nang may biglang sumalubong sa kanilang unahan na magka-angkas na naka-motorsiklo.

Pinagbabaril nito ang dalawang biktima saka tumakas papalayo sa lugar.

Dinala sa Metro San Jose Medical Center si Raz upang gamutin habang si Monforte ay agad na namatay.

Inaalam na mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumambang sa dalawang  biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Riding-in-tandem, patay sa engkuwentro; bangkay ng lalaki, nakita sa Binan

Thu Feb 25 , 2021
Nagkaputukan ang ginawang paninita ng Highway Patrol Group (HPG) PRO4-A at SWAT Team ng Binan City Police Station (CPS) sa hinihinalang riding-in -tandem kaninang alas 3:25 ng madaling araw sa Langkiwa Service Road, Barangay Langkiwa, Binan City, Laguna. Nagsagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng SWAT Binan CPS at […]

Follow Us

%d bloggers like this: