Dalawa, pinagbabaril sa loob ng barangay hall sa Laguna

Share this information:

Humantong sa kamatayan ang panonood ng telebisyon ng isang retiradong pulis habang ang  hepe ng barangay tanod ay malubhang sugatan matapos pagbabarilin ang mga ito ng di pa nakikilalang mga armadong lalaki sa loob mismo ng barangay hall sa Purok 1, Barangay Mapagong, Calamba City, Laguna kagabi.

Natukoy ang mga biktimang sina Apolonio Comia Naredo Jr., 52 anyos, isang retiradong pulis, at si Rigor Rivera Medes, 38 anyos, at hepe ng Barangay Police Security Office (BPSO) sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Calamba City Police Station, bandang alas 7:30 ng gabi kahapon nang maganap ang nasabing pamamaril habang nananood ng telebisyon ang mga biktima sa loob mismo ng barangay hall.

Biglang dumating ang isang lalaking may bitbit na di pa malamang kalibre ng baril saka pinagbabaril sina Naredo at Medes ng walang dahilan.

Nang makita ng suspek na wala ng buhay si Naredo ay dali-dali nitong kinuha ang sling bag na nakasabit sa kanyang katawan saka mabilis na tumakas papalayo sa di malamang direksyon.

Si Medes naman ay dinala ng kanyang kamag-anak sa Dr. Jose P. Rizal District Hospital upang gamutin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

CSP in lieu of EUA for Duterte vaccination

Thu Feb 25 , 2021
EVEN without an emergency use authorization (EUA), Palace lawyers are studying the option of using the compassionate special permit (CSP) issued by the Food and Drug Administration (FDA) to Sinopharm to legitimize President Rodrigo Duterte’s bid to be inoculated with a vaccine brand of his choice. “They are studying kung […]

Follow Us

%d bloggers like this: