Rider, todas sa banggaan

Share this information:

Todas ang isang 32-anyos na rider matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang pick-up sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Paul Michael Abalaza, ng 110B Capaz St. 10th Avenue, Brgy. 63 ng nasabing lungsod.

Kusang-loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng pick-up na kinilalang si Dave Raniel Famero, 26 anyos, site engineer at residente ng 39 B3 L3 Servants of Charity, Tandang Sora, Quezon City.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan traffic police investigator P/Cpl. Dino Supolmo, tinatahak ni Famero ang kahabaan ng B. Serrano Street patungong EDSA habang tinatahak naman ng biktima ang kahabaan ng 7th Avenue patungong Rizal Avenue Extension.

Pagdating sa intersection ng 7th Avenue at B. Serrano, Brgy. 109 dakong 10:20 ng gabi ay aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa kanang bahagi ng pick-up na minamaneho naman ni Famero.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo at bumagsak sa sementadong kalsada kaya’t agad itong isinugod sa naturang pagamutan subalit hindi na ito umabot doon ng buhay.

Iprinisinta naman si Famero sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Kahera, kulong sa tinangay na P466K cash

Tue Feb 23 , 2021
SINIRA ng 38-anyos na kahera ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng kanilang kompanya matapos tangayin nito ang halos kalahating milyong pisong dapat sana ay idedeposito niya sa bangko sa Malabon City. Natuklasan lamang ang ginawang pangungulimbat ni Hazel Hilario, 38 anyos, matapos makita ng kanyang kapuwa kaherang si Myra Medenilla, […]

Follow Us

%d bloggers like this: