Breaking News

Share this information:

PATAY ang isang 24-anyos na waiter matapos mawalan ng kontrol sa sinasakyan niyang motorsiklo hanggang sa sumemplang sa poste ng ilaw sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Mark Wendell Reyes, 24 anyos, waiter at residente ng No. 24 C. Ilang-Ilang St. Brgy. Baritan.

Sa report ni traffic investigator PEMSgt. Francisco Versoza kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M. Blas St. Brgy. Hulong Duhat ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, mabilis umanong tinatahak ng biktima ang naturang lugar sakay ng kanyang motorsiklo nang mawalan ito ng kontrol pagsapit sa pakurba at madulas na bahagi ng lugar.

Sumemplang ang biktima hanggang sa sumalpok ito sa sementadong poste ng ilaw na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: