Breaking News

Share this information:

SINABI ni Malabon City Rep. Josephine Veronique “Jaye” Lacson-Noel na aprubado na sa mababang kapulungan ang kanyang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na P1,500 para sa seniors citizens sa bansa.

Aside from several bills that have become law that I principally authored or co-authored which directly or indirectly benefit the city folks, I have been a key partner of the local officials led by Mayor Lenlen Oreta in extending much-needed assistance to our constituents like jobs for those who went jobless due to this Covid-19 pandemic,” pahayag ni Lacson-Noel.

Natuwa din siya sa suportang ibinibigay ng kanyang asawang si Rep. Florencio “Bem” Noel sa mga mamamayan ng Malabon lalo na sa panahon ng pandemya.

Nagpapasalamat naman ang mambabatas ng Malabon sa pamunuan ng House of Representatives matapos na ang kanyang House Bill 4057 ay naipasa na ng kanyang mga kasamahan at kaagad na isinumite sa Senado para sa pag-apruba nito bago ito pirmahan bilang isang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang panukalang batas ay nagtatakdang magbigay ng P1,500 buwanang cash na ayuda sa mga senior citizen na walang pensiyon, o sa mga tumatanggap ng pensiyon na nagkakahalaga ng P5,000.

I am confident that the Senate will pass it with dispatch because this particular measure is very important for our senior citizens all over the country. They badly need extra monetary assistance for their needs like medicines for their maintenance especially amid these trying times,” ani Lacson-Noel.

Sinabi pa niya na ang pag-apruba ng Kamara sa HB 4057 ay napapanahon habang ang mga miyembro ng vulnerable sector na matatanda ay dapat bigyan ng pansin sa kasagsagan ng pandemya.

Now that only the approval of the Senate is needed, it would be very clear that our senior citizens all over the country can soon get P1, 500 cash monthly from the government,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Lacson-Noel na itinulak niya ang panukala sapagkat ang mga umiiral na batas na nagbibigay ng suporta sa mga senior citizen ay hindi sapat upang mapanatili ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa kanilang gamot.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: