Retiradong propesor, nalunod sa drum ng tubig

Share this information:

Natagpuang patay ang isang 64-anyos na retiradong propesor ng University of the East matapos umanong malunod sa isang drum ng tubig sa loob ng kanyang comfort room sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Ang katawan ng biktimang si Emilie Cruz, single, ay nadiskubre ng kanyang kapatid na si Thelma Loberto at pamangkin na si Ivy Rose Capili dakong 1 ng hapon na nakalubog sa drum ng tubig sa loob ng kanyang comfort room sa second floor ng kanilang bahay sa 111-B Valdez St., Brgy. Catmon.

Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Corazon Nuque and P/SSgt. Ernie Baroy, nagpunta si Capili sa kuwarto ng kanyang tiyahin upang tingnan kung natapon na nito ang kanyang basura subalit sa kabila ng kanyang mga pagkatok ay hindi sumasagot ang biktima na naging dahilan upang tanungin nito ang kanyang ina kung ang kanyang tiyahin ay nasa silid niya.

Pinuntahan ni Thelma at kanyang anak ang kuwarto ng biktima subalit hindi nila ito nakita hanggang sa tinungo nila ang comfort room malapit sa kusina.

Nang buksan ang ilaw, laking gulat nila nang makita nila ang biktima na nakalubog sa drum ng tubig. Inalis nila ang katawan nito sa drum saka tinangkang i-revive subalit wala na itong buhay.

Sa pagi-imbestiga ng mga pulis, inirekomenda sa immediate family ang autopsy subalit tumanggi sila at sa halip ay gumawa ng isang waiver na naniniwala silang walang foul play sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Despite losing electoral protest, BBM running in 2022

Wed Feb 17 , 2021
A DAY after the Supreme Court, sitting as presidential electoral tribunal, threw out his protest against Vice President Leni Robredo over the results of the 2016 vice-presidential derby, former Senator Ferdinand Marcos Jr. will definitely run in the 2022 national elections, according to his spokesperson Vic Rodriguez. “He will be […]

Follow Us

%d bloggers like this: