Hidden Garden sa Maynila, binuksan na ni Yorme Isko

Share this information:

Pormal nang pinasinayaaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang  bagong bukas na “hidden garden” sa LIwasang Bonifacio sa Lawton, Maynila.

Sinabi ng alkalde na ang pagbubukas ng naturang hardin ay alinsunod sa patakaran ng kanyang administrasyon na magbukas ng maraming mga “green spaces”  sa kabisera ng bansa.

“Ang inyong pamahalaang lungsod ay hindi po tumitigil sa kanyang layunin na mapanatiling maaliwalas o maging maaliwalas ang Lungsod ng Maynila. We dedicate this day to you—to the people of Manila, and those people who will come in and out of the city,” ayon kay Domagoso 

“Ngayong araw na ito ay mag-aalay tayo ng bagong humigit kumulang isang ektarya na horizontal at vertical garden as part of our dreams and aspiration in the City of Manila to create more open green space,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi ni Domagoso na binuksan ang hardin sa publiko upang ipakita na ang mas malinis at maaliwalas na hangin ay makakamit sa isang urbanized city gaya ng Maynila. 

Tiniyak din nito sa publiko na ang lokal na pamahalaan  ay patuloy na gagawa ng mga programa at proyektong pang-kapaligiran bilang bahagi ng agenda ng kanyang administrasyon.

“We will not stop our journey towards a better Manila for the people of Manila. Unti-unti, dahan dahan, masinop, mainam at episyente, hindi tayo magwawaldas, hindi tayo maglalagay ng kolorete lamang para busugin lamang ang ating mga mata,” 

“Ang lahat ng bagay na gagawin natin on top of the pandemic approach ay mga bagay na kapaki-pakinabang ng pangmatagalan, katulad halimbawa ng paglilinis ng kapaligiran kasama na ang pagbibigay ng sariwa at malinis na hangin sa isang urbanized na local government tulad ng City of Manila,” pahayag pa ng alkalde.

Ang isang hektaryang hardin ay mayroon ding sariling coffee shop  na maaring makatulong sa lokal na pamahalaan upang makabuo ng mga bagong trabaho at oportunidad sa gitna ng pandemiya dulot ng COVID-19.

Umapela naman ng kooperasyon ang alkalde sa publiko  sa pagpapanatili  ng kalinisan sa hardin at sinabing ituring ito bilang kanila ring pag-aari.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Retiradong propesor, nalunod sa drum ng tubig

Wed Feb 17 , 2021
Natagpuang patay ang isang 64-anyos na retiradong propesor ng University of the East matapos umanong malunod sa isang drum ng tubig sa loob ng kanyang comfort room sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Ang katawan ng biktimang si Emilie Cruz, single, ay nadiskubre ng kanyang kapatid na si Thelma Loberto […]

Follow Us

%d bloggers like this: