Breaking News

Share this information:

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalawig ng tinatawag na “lifeline rate” na aabot ng 50 taon, o hanggang taong 2071.

Inihayag ng Malakanyang na ganap nang isang batas ang pag-extend ng lifeline rate, o ang subsidiya sa konsumo ng kuryente ng mga mahihirap na mga Pilipino.

Pinirmahan na kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11552, na siyang naga-amyenda sa Section 73 ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 o ang EPIRA Law, kung saan pinalalawig na ng hanggang 50 taon ang pagbibigay ng subsidiya sa mga Pilipinong electric consumer.

Napaso na ang subsidiyang ito noon pang taong 2011.

Kasama sa mga makikinabang sa extension ng lifeline rate ay yaong mga nasa ilalim ng “4 Ps” o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: