Rep. Leachon at kanyang misis, nagpositibo sa COVID-19

BREAKING

NAGPAPAGALING ngayon makaraang tamaan ng COVID-19 si Senior Deputy Speaker at Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon gayundin ang kanyang misis na si Rona.

Sa isang mensahe, sinabi ni Leachon na nasa mahigit dalawang linggo na silang lumalaban sa virus.

Kagabi ay muli siyang nagpa-swab test at nagnegatibo na. Limang araw na rin siyang nakakapaglakad-lakad na sa kanilang village.

Nasa mabuti na ring kalagayan ang kanyang asawa na anim na araw na ring walang lagnat at walang ubo bagamat higit umano itong nahirapan sa naranasang anim hanggang walong araw na may lagnat kahit umiinom ng gamot.

Negatibo naman aniya sa COVID-19 ang kanilang mga anak gayundin ang mga kasambahay, drayber at security personnel.

Sinabi pa ni Leachon na masusing binabantayan ng kanyang kapatid na si Dr. Tony Leachon ang kalagayan nito sa bahay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.