KASUNOD ng panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga deboto na magself quarantine matapos ang pagdiriwang ng kapisatahan ng Itim na Nazareno, ang Manila Police District (MPD) ay susunod din sa nasabing panawagan.
Sinabi ni MPD Director Brig. General Leo Francisco na ipinag-utos na rin nito sa mga stations commanders na bantayan ang kanilang mga tauhan.
Payo ni Francisco sa kanyang mga kapulisan, obserbahan din ang sarili laban sa COVID-19 dahil sa dami ng tao na dumagsa sa Kapisatahan ng Itim na nazareno kahapon, Enero 9.
Ayon kay Francisco, kapag nakita aniyang may dapat na gawin sa pagpapanatili laban sa COVid-19 tulad ng mga simtomas nito ay kanila aniyang gagawin.

