Online exam para sa mga seafarers, inilunsad ng MARINA

Share this information:

PINAYUHAN ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga seafarers na mag-apply para sa “Resist” at “Rescheduling” ng Merchant Marine Officers theoretical examination sa pamamagitan ng Online.

Sa inilabas na abiso ng MARINA, ito ay bilang bahagi ng inisyatibo ng administrasyon para sa patuloy na pagpapabuti upang higit na maitaguyod ang isang “no contact policy” at upang mabawasan ang hindi kinakailangang pagkakalantad ng mga marino laban sa COVID 19.

Kailangan lamang maghain ang mga seafarer’s ng kanilang Resits/Rescheduling sa pamamagitan ng kanilang MISMO Accounts sa ilalim ng Examination Tab.

Gayundin, ang lahat ng mga kinakailangan para sa resit / rescheduling tulad ng Examination Permit at Medical Certificate ay dapat mai-upload sa pamamagitan ng MISMO System.

Maari namang sundin ng mga marino ang step-by-step guide upang maproseso  ang kani-kanilang kaukulang mga dokumento.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.