Breaking News

Share this information:

Sinimulan na ng NLEX Corporation ang sabay na rehabilitasyon ng mga tulay ng Meycauayan at Bigaa sa Bulacan na naglalayong magbigay ng mas ligtas at mas maayos na paglalakbay sa expressway.

Ang rehabilitasyon ng 45-metro na tulay ng Meycauayan ay target na makumpleto sa Setyembre 2021, habang ang rehabilitasyon naman ng 64-metro na tulay ng Bigaa sa lugar ng Balagtas ay inaasahang matatapos sa Agosto 2021.

Upang mapanatili ang mahusay na daloy ng trapiko, ang isinasagawang rehabilitsayon ays sisimulan sa bahagi ng timog at susundan sa bahagi ng hilaga kung saan tatlong linya pa ang nananatiling madadaanan ng mga motorista habang nagpapatuloy ang renobasyon.

Pinapaalalahanan din ang mga motorista na maaaring makaranas sila ng pansamantalang pagkaantala dahil ipinatutupad ang pagsasara ng linya at pag-counterflow sa mga nasabing lugar.

Ang NLEX Corporation ay humihingi ng pasensya at pag-unawa mula sa publiko at tinitiyak nito ang pagsisikap na gawin at matapos ng ang rehabilitasyon ng mga nasabing tulay ng madalian upang mabawasan ang pagkagambala sa trapiko.

Pinayuhan din ang mga motorista na planuhin ang kanilang mga biyahe ng maaga para sa mas mahabang oras sa paglalakbay kaugnay ng isinasagawang renobasyon.

“We’d like to assure our motorists that we will do everything possible to complete the works on time while ensuring public safety and minimizing traffic slowdown,” wika ni J. Luigi Bautista, President at General Manager, NLEX Corp.

Mayroon namang itatalagang mga patrol at marshal habang isinasagawa ang renobasyon upang pamahalaan ang daloy ng mga sasakyan kasabay ng paglalagay ng mga palatandaan o traffic signs at iba pang mga aparato para magbigay ng babala at para gabayan ang mga motorista.

Ang mga update sa trapiko at iskedyul ng pagsasara ng lane ay nakahayag sa pamamagitan ng mga social media account ng NLEX Corporation at maaari ding tawagan ng mga motorista ang hotline na 1-35000 para sa mga update o anunsiyo.

Bukod sa proyektong ito, ginagawa rin ng NLEX ang pag-upgrade ng Candaba Viaduct, ang pagkumpuni ng tulay ng Pau, tulay ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Pasig-Potrero at pavement maintenance program sa NLEX at SCTEX.

Ang NLEX Corporation ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: