Registration hours, palalawigin ng COMELEC

Share this information:

Upang makapagtala pa ng mas maraming botante para sa May 2022 presidential elections, plano ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang kanilang registration hours.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, mula sa dating hanggang 3:00 ng hapon lamang ay nais nilang ma-extend pa ang registration hours ng hanggang 5:00 o 5:30 ng hapon.

Ikinukonsidera na rin aniya nila ang magdaos na rin ng voter registration tuwing weekends.

Sinabi ni Guanzon, inaprubahan na ng Comelec en banc ang overtime pay para sa kanilang staff. Pag-uusapan na rin aniya nila ang maayos na pagsasagawa ng barangay satellite registration.

Ani Guanzon, layunin ng mga naturang hakbang na makahikayat pa ng mga botante na magpatala para sa nalalapit na pampanguluhang halalan.

Una nang sinabi ni Guanzon na mahigit isang milyon pa lamang ang mga botanteng nagpapatala para sa halalan at maliit na bahagi aniya ito kumpara sa tinataya nilang apat na milyong unregistered voters sa bansa.

Nabatid na ang voter registration ay nakatakdang magtapos sa Setyembre 30. Muli namang umapela si Guanzon sa mga Pinoy na samantalahin ang pagkakataon at magparehistro na dahil hindi na aniya nila palalawigin pa ang registration deadline. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.