Lola at isa pa, timbog sa shabu sa Navotas

Share this information:

Nasakote ang dalawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang lola sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Navotas City.

Sa ulat, dakong 10 ng gabi, nagsasagawa ng covert patrolling at monitoring ang mga pulis sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Resty Descalzo sa kahabaan ng Blk. 33, Lot 29, Phase II, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City nang maaresto nila si Leila Papa, 62, (user/listed) at residente sa naturang lugar.

Nakumpiska sa suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng nasa 0.8 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P5,440 ang halaga.

Samantala, ayon naman kay PSMSgt. Nemesio “Bong” Garo, dakong 1:30 ng hapon nang respondehan ng mga tauhan ni Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido sa pangunguna ni PLt. Erwin Garcia ang natanggap na report hinggil sa umano’y riot sa Palengke St., Market 3, Brgy. NBBN, Navotas.

Pagdating sa lugar, nagtakbuhan ang mga tao subalit bumangga sa patrol mobile ng mga pulis si Florence Reyes, 30, stevedore at nahulog mula sa kanyang kanang kamay ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu dahilan upang arestuhin ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.