IKINASA na ang random drug testing para sa hanay ng mga pulis na naka-assign sa Manila Police Department o MPD.
Isinagawa ang random drug testing ng police personnel ngayong Huwebes.
Ayon kay MPD-PIO Capt Philipp Ines, partikular na sumailalim sa naturang drug test ay yaong mga tauhan ng MPD-Station 4.
Maaga namang pumila ang mga kapulisan sa quadrangle ng MPD headquarters upang kumuha ng vial para sa kanilang urine samples.
Bahagi ang aktibidad ng “Intensified Cleanliness Policy” na ipinatutupad ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo Francisco.
Ayon pa kay Capt. Ines, umabot na sa 184 na kapulisan “in rank’ ang sumailalim na sa random drug test.