Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11, wala pang itinatakdang petsa

Share this information:

SINABI ng isang mataas na opisyal ng Department of Health (DOH) na wala pa silang target date para sa pagbabakuna ng mga batang may edad 5 hanggang 11.

Paliwanag ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa ang paglabas ng Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa isasamang mga sektor sa nasabing programa.

Kailangan pa ng karagdagang ebidensya bago maglabas ng EUA ang FDA, dagdag pa nito.

Habang wala pang EUA ay kailangan munang mag-focus sa mga prayoridad na ginagawa ngayon lalo na sa mga tao na hindi pa nababakunahan at pati na ang vulnerable population.

Ayon kay Vergeire, tinatayang nasa 13.5 milyon mga edad 5 hanggang 11 ang targeted at karapat-dapat na mabakunahan kapag ito ay nagsimula na.

Sinabi rin ni Vergeire na may sapat na bakuna para sa vaccination program na kasama ang mga bata. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.