HCWs na nabigyan ng booster shots, nasa halos 70k na

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 69,971 ang nabigyan ng booster doses sa hanay ng health care workers sa bansa hanggang nitong Nobyembre 24.

Ayon ito kay DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi naman nito sa hanay ng mga senior citizens, nasa 21,139 na at ang nabigyan na ng karagdagang doses o third dose na immunocompromised individuals ay umabot na sa 10,992.

Ayon kay Vergeire, lahat ng rehiyon sa bansa ay nagsimula nang mag-roll out ng booster shots at karagdagang dose base sa programa ng gobyerno.

Ang kabuuang nabigyan na ng booster o additional doses sa buong bansa ay nasa 102,102 na. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.