Quiapo Day, dinagsa ng publiko ngayong araw ng Biyernes

Share this information:

Muling dinagsa ng publiko ang Simbahan ng Quiapo ngayong araw ng Biyernes o Quiapo Day.

Hindi maiwasan na magtungo rito ang mga deboto ng Itim na Nazareno kahit patuloy ang banta ng COVID-19.

Mahigpit naman na ipinapatupad ang health protocols kontra COVID-19 gaya ng dapat na pagsusuot ng face mask sa loob at labas ng simbahan at pairalin ang social distancing.

Ang mga pumapasok sa loob ng simbahan ay tinitiyak na nakasuot ng face mask at face shield.

Ang mga pinapayagang deboto na makapag-simba sa loob ng simbahan ng Quiapo ay nasa 100 pa rin, ayon kay Father Danichi Hui, Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene.

Ito ay pagtalima pa rin sa 10% capacity sa mga simbahan at kahalintulad na lugar, sa mga General Community Quarantine o GCQ areas.

Pero ayon naman sa ilang Hijos del Nazareno, nakakapasok na ang aabot sa 200 deboto basta’t pairalin ang social distancing.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.