Mahigpit na seguridad ipinatupad sa San Juan Public Cemetery

Kasabay ng unang araw ng pagbubukas ng mga sementeryo at kolumbaryo sa lungsod ng San Juan, nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Francis Zamora sa San Juan Public Cemetery.

Ito ay para matiyak ang pagpapatupad ang basic health protocols bilang pag-iingat sa COVID 19.

Sa ginawang pag-iikot, ipinaliwanag ni Zamora na 30% lang dapat ng kapasidad ng sementeryo ang dapat masunod.

Para magawa ito, may magbibilang ng mga tao sa loob at oorasan ang mga dumadalaw sa bawat batch.

Dalawang oras lamang ang pwedeng itagal ng mga dumadalaw mula alas 7 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi.

Kasunod nito, sinabi ni Zamora na dapat dumaan sa thermal scanning at lumagda sa health declaration form ang mga bibisita bago papasukin sa mga sementeryo at kolumbaryo.

Maaring sagutan ang form online sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code at pwede rin ang mano-manong pagsagot ng form at ihulog ito sa kahon sa entrance.

Mahigpit din na ipinagbabawal ang pagtitinda sa loob ng pagkain, inumin at bulaklak pero pinapayagan naman ang mga bibisita na magdala ng sariling pagkain at kandila.

COVID 19 update

Samantala, iniulat naman ni Zamora na patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID 19 sa lungsod.

Mula sa mahigit 600 noong Setyembre, 125 na lang ang aktibing kaso ng COVID-19 sa San Juan as of October 15.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.