Nasa kabuuang bilang na 4,200 mga Overseas Filipinos’ (OF’s) na nagka problema sa kanilang pagtatrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia ang nakabalik na ng bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DAF), mula Riyadh at sa silangang bahagi ng Saudi Arabia nagmula ang mga balik-bayan.
Kabilang sa kanila ang 341 distressed OF’s na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Phil Airlines Flight PR 8673 na isang chartered flight ng DFA.
Tiniyak naman ng kagawaran na tuloy tuloy ang pagsisikap na maibalik ng bansa ang mga distressed OF’s sa isinasagawang mass repatriation na sinimulan noong Pebrero ng taong ito.