Mariveles, Bataan – Mas pinaigting ngayon ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang pagtugon nito laban sa COVID-19 sa pagbubukas ng 38 silid na magsisilbing quarantine facility nito.
Ayon kay AFAB Administrator Emmanuel Pineda, layon ng nasabing hakbang na matiyak na may nakahandang matutuluyan ang mga manggagawa ng FAB na kailangang mai-quarantine.
Sa unang pasilidad ay may labing-tatlong kwarto na air-conditioned habang may pangsolong higaan, palikuran, shower area at stand fan naman ang makikita sa 25 pang mga silid. Nagdonate din ang GNPower Dinginin Ltd. Co. ng 24 na higaan para sa pasilidad.
Matatagpuan ang quarantine facility sa Economic Housing Building ng AFAB sa Sitio Karagatan, Barangay Alas Asin sa Mariveles, Bataan.

