QC Mayor Belmonte, na-“Wow Mali” sa ‘Brazil variant’

Share this information:

PINASINUNGALINGAN ng Department of Health (DOH) ang naging pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na may bagong na-detect sila na COVID-19 case ang “Brazil variant” partikular sa nasabing lungsod.

Tila na ‘Wow Mali’ si Belmonte sa pag-anunsyo nito ngayong araw sa ginanap na pulong balitaan na may kauna-unahang “Brazil variant” ng COVID-19 ang naitala sa lungsod batay umano sa pagsusuri ng City Epidemiology Surveillance Unit o CESU.

Pero agad namang binawi ng DOH ang nasabing anunsyo ni Belmonte at iginiit na wala pang naitatalang Brazilian variant sa bansa.

“Wala pa po tayo Brazilian variant. The Brazilian lineage must have been misinterpreted as a Brazilian variant,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Batay umano sa Quezon City data, may 18 kaso ng COVID-19 variants sa lungsod, 13 dito ay UK variant, apat na South Africa variant, at isang Brazil variant.

“Ang tingin ko talaga malaki ang kinalaman ng presence ng variants na ito sa pagkalat ng sakit na ito,” ayon kay Belmonte.

“I would like to stress na kahit na hindi pa masyadong nagbabanggit ang ating national government na serious ang situation, tingin ko serious na po ang situation namin dito sa Quezon City. Medyo alarming na po, medyo disturbing na po kasi nakikita po natin na ‘yung positivity rate dito sa Quezon City is at 9.3%,” giit ng alkalde.

Binawi rin ng CESU ang naunang anunsiyo ni Belmonte at sinabing nililinaw pa nila ito sa DOH. “We are getting clarification from DOH. Apparently it’s not a Brazilian variant,” paglilinaw ni CESU head, Dr. Rolly Cruz.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Metro Pacific tollways promotes “drayberks” advocacy for motorists on road safety

Wed Mar 10 , 2021
LAGUNA – THE Metro Pacific Tollways South Corporation MPT South has an advocacy which promotes road safety in CAVITEX and CALAX motorists. A word combination “DrayBerks” Drayber and Barkada   aims to educate motorists about safety features of the expresway and also ensure to understand the responsibility for own safety. Drayberks […]

Follow Us

%d bloggers like this: