Pulis sa Eastern Samar, arestado dahil sa indiscriminate firing

Share this information:

NAKATAKDANG sampahan ng kasong administratibo ng Philippine National Police (PNP) ang isang pulis sa Eastern Samar na nasangkot sa “indiscriminate firing” ng baril.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, inatasan niya na ang Police Regional Office-8 na magsagawa ng malalimang imbestigayon tungkol sa kaso na kinasasangkutan ni PCpl. Alexander Salazar.

Base sa ulat, naganap ang insidente ng indiscriminate firing nitong Linggo matapos na makipagtalo umano ang pulis sa isang ginang sa Balangiga, Eastern Samar.

Nakatalo umano ng pulis ang ginang dahilan para uminit ang ulo nito at magpaputok ng baril.

Ayon kay Eleazar, sa ngayon ay nakakulong at ini-imbestigahan na ang nasabing pulis dahil sa ginawang pananakot gamit ang kanyang baril sa sibilyan.

Kung totoo man ang pananakot ay hindi palalagpasin ang kanyang ginawa dahil maliwanag na isa itong kaso ng pang-aabuso na dapat lang bigyan ng agarang aksyon upang hindi na pamarisan pa.

(PHOTO CREDIT: pro6.pnp.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.