Barangay Captain huli sa buy bust operation sa CamSur

BUMAGSAK sa kamay ng pulisya ang isang 57 anyos na punong barangay sa isinagawang pagsalakay sa kanyang tahanan sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.

Hindi na nagawang makatakas matapos makorner ng mga awtoridad ang suspek na si Chiz Navea, kasalukuyang kapitan ng Barangay Dahat sa naturang bayan.

Armado ng search warrant na ipinalabas ng Municipal Trial Court ng Lagonoy ang raiding team ng Provincial Drug Enforcement Group (PDEG), Lagonoy Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 5, ikinasa ang pagsalakay sa bahay ni Navea dakong alas 10 ng gabi ng Martes, Oktubre 26, 2021.

Nasamsam ng pulisya mula sa pag-iingat ni Navea ang nasa P180,000 halaga ng shabu at iba pang drug paraphernalias.

Napag-alaman base sa report na si Navea ang ikatlo sa drug watch list sa Municipal level dahil sangkot umano ito sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Sinampahan na si Navea ng kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.