Fully vaccinated sa Pilipinas, umabot na sa 25.95 milyon

Share this information:

UMAKYAT na sa 25.95 milyon o katumbas ng 33.65 percent ang bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated o ganap nang bakunado kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang ibinida ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang press briefing kanina.

Dagdag naman nito na nasa 30.29 milyon na tao naman ang naturukan ng unang dose ng bakuna.

Sa kabuuan, pumalo na sa 56.25 million doses ng COVID-19 vaccines ang administered o naiturok na mula nang magsimula ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan noong Marso.

Samantala, sa National Capital Region, sinabi ni Roque na nasa 8.38 million na indibiwal ang fully vaccinated na o katumbas ng 85.79 percent.

Nasa 9.30 milyon na tao naman ang naka-unang dose na.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pulis sa Eastern Samar, arestado dahil sa indiscriminate firing

Tue Oct 26 , 2021
NAKATAKDANG sampahan ng kasong administratibo ng Philippine National Police (PNP) ang isang pulis sa Eastern Samar na nasangkot sa “indiscriminate firing” ng baril. Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, inatasan niya na ang Police Regional Office-8 na magsagawa ng malalimang imbestigayon tungkol sa kaso na kinasasangkutan ni PCpl. […]
%d bloggers like this: