Pulis-Paranaque, arestado sa robbery-extortion

Share this information:

DINAKIP ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group ng Philippine National Police (PNP) ang isang kabaro nito na inirereklamo sa kasong robbery – extortion.

Tinukoy ni IMEG Director Colonel Thomas Frias, Jr., ang naarestong suspek na si Police SSgt. Marlon De Dios Salim, kasalukuyang nakatalaga sa SLEX Traffic Vehicular Sub Office, Regional Highway Patrol Unit ng NCR sa Paranaque City.

Inaresto si Salim nang tanggapin nito ang P5,000 marked money na ini-abot sa kanya ng complainant sa ikinasang entrapment operations.

Nag-ugat ang reklamo sa nangyaring insidente sa trapiko nuong Enero 26 sa North Bound ng Skyway na sakop ng Brgy. San Martin De Porres kung saan, hiningan umano ni Salim ang complainant ng P15,000 kapalit ng pagre-release ng van na nasangkot sa insidente.

Ngunit makalipas ang serye ng negosasyon at tawaran, bumaba na sa P5,000 ang hiningi umano ng pulis kaya’t naisip na rin ng complainant na magpasaklolo sa IMEG para sa agarang aksyon.

Nasa kustodiya na sa PNP General Headquarters si Salim na nahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal at nanganganib ding masibak sa serbisyo sakaling mapatunayan ang pagkakasala nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bagong kaso ng COVID-19, umakyat sa 1,849 ngayong araw

Fri Jan 29 , 2021
Umabot na sa 521,413 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 matapos madagdagan pa ngayong  araw ng 1,849 na mga bagong kaso. Sa nasabing bilang, nasa 475,765 naman ang mga gumaling na sa sakit kung saan nadagdagan pa ng 177 na recoveries. Ang mga namatay naman  ay nadagdagan din ng  48 kaya […]

Follow Us

%d bloggers like this: