NAINGAYAN sa pag-iyak ng kanyang dalawang taong gulang na anak kaya’t minartilyo ito ngunit nailigtas ng mga awtoridad sa Davao City.
Hawak na Davao City Social Welfare and Development Office ang pangangalaga sa paslit na biktima gayundin ang kanyang sanggol na kapatid upang maiwasang masaktan ng sarili nilang ina.
Nabatid na manartilyo umano ng 17-anyos na ina na itinago sa pangalang Rowena ang bibig ng kanyang anak nang mainis sa pag-iyak nito. Duguan ang bata nang masaklolohan ng mga awtoridad.
Sinasabing nakararanas ng depresyon si Rowena na nuo’y kakapanganak lamang din.
Nasa kustodiya na ng Women and Children Protection Desk si Rowena na ililipat din sa Department of Social Welfare and Development.
Naniniwala si Atty. Marlisa Gallo, pinuno ng City Social Welfare Office, posibleng nakararanas ng depresyon si Rowena at maaaring epekto rin ng bago lamang nitong panganganak.