Umabot na sa 521,413 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 matapos madagdagan pa ngayong araw ng 1,849 na mga bagong kaso.
Sa nasabing bilang, nasa 475,765 naman ang mga gumaling na sa sakit kung saan nadagdagan pa ng 177 na recoveries.
Ang mga namatay naman ay nadagdagan din ng 48 kaya umakyat na ang bilang ng COVID-19 related deaths sa 10,600.
Sa ngayon ang aktibong kaso ay nasa 35,048 na kung saan ang mga ito ay patuloy pang ginagamot.
Samaantala, wala namang inilabas ngayon ang DOH na mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na kaso ngayong araw .
Kaugnay pa rin sa case bulletin ng kagawaran, nasa 2 kaso ang na-tag bilang gumaling sa sakit ang nareclassify bilang deaths matapos ang ginawang validation.
Mayroon pa ring walong laboratory na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong Enero 28, isang araw bago ilabas ang case update.