Puganteng Taiwanese na wanted, laglag sa mga awtoridad sa Cavite

Share this information:

ARESTADO ang isang Taiwanese national na matagal nang wanted sa mga awtoridad sa Taipei dahil sa drug trafficking at possession ng baril at iba pang deadly weapon.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na ang 45 anyos na si Yang Chuan Yi ay nakatakdang patalsikin sa bansa matapos itong maaresto sa Tanza, Cavite ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU), sa pakikipagtulungan at koordinasyon Tanza Municipal Police Station. 

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendell Ryan Sy, ang puganteng Taiwanese ay overstaying at undocumented alien na nagtago sa bansa ng walong taon.

Sa rekord, dumating sa bansa ang dayuhan noong May 2013, at nagtago na mula noon.

Ayon pa kay Sy, si Yang ay most wanted sa Taiwan simula pa noong March 2014 mula nang ilabas ang kanyang warrant of arrest ng New Taipei District Prosecutor’s Office dahil sa pagkakasangkot nito sa narcotics trafficking

Bukod dito mayroon pa siyang warrant naman para sa pag-iingat ng baril, bala at bladed weapons.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.