Pekeng produkto at iba pa na nasa P500-P600 milyon ang halaga, nasabat sa Cavite

Share this information:

NASABAT ng Bureau of Custom (BOC) ang tinatayang nasa P500 milyon hanggang P600 milyon na halaga ng mga pekeng produkto, Chinese food at beverages at medical protective mask sa Tanza, Cavite nitong Oktubre 27.

Armado ng Letter of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksiyon ng mga miyembro ng Port of Manila – Customs Intelligence and Investigation Service (POM-CIIS), Port of Manila – Enforcement and Security Service (POM-ESS), Philippine Coast Guard, at National Bureau of Investigation ang isang warehouse sa 9172 Antero Soriano Hi-Way, Brgy. Mulawin, Tanza, Cavite kung saan nadiskubre ang mga produkto na may tatak na Jordan, Nike, Crocs, at  Havaianas.

Kabilang din sa mga nasamsam ay mga sari-saring Chinese food, mga inumin kabilang ang beer, iced tea at  soda, at medical protective mask na locally distributed ng grupo ng Chinese nationals na pinamumunuan ng isang Anna Ty at Willy Zhang.

Kasong paglabag sa Section 1114 ng RA10863 o kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang isasampa laban sa kanila. 

(PHOTO CREDIT: Bureau of Customs)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.