Blood donation drive, isinagawa ng PRC at Angkas

NAGSAGAWA ng blood donation drive ang Philippine Red Cross (PRC) at Angkas ngayong huling linggo ng Oktubre. 

Ayon sa PRC Blood Services sa National Headquarters, Mandaluyong; simula Oktubre 26, 2021, nilalayon nilang magkaroon ng sampung blood donor bawat oras mula sa Angkas dahil ang pasilidad ng Blood Service ay bukas mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon araw-araw.

Maaalala na nagsagawa na rin ng blood drive ang PRC kasama ang Angkas sa mahigit 24 blood donors.

Idinagdag ng PRC Blood Services na nagpaplano rin ang Angkas na magsagawa ng mas maraming bloodletting activities sa sandaling maging mas flexible ang pandemic restriction na ipinataw ng mga local government unit.

While we continue our fight against COVID-19, we call on more people to help replenish the country’s blood supply.  This is why I am grateful that Angkas has chosen to partner with us. Maraming salamat, Mr. George Royeca, Angkas Chief Transport Advocate, and Ms. Angeline Tham, Angkas CEO. This endeavor is indeed beneficial as the need for blood never stops,” ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Dick Gordon.

Nanawagan naman ang PRC sa publiko na makipag-ugnayan sa 104 na mga Red Cross chapter at 99 blood service facilities, o tumawag sa hotline 143 para sa mga tanong tungkol sa dugo.

 “Magbigay ng dugo at tumulong magligtas ng buhay,” ayon pa kay Gordon.

Katuwang din ng PRC. ang Angkas para sa home service saliva testing kung saan nabigyan ng trabaho ang libu-libong mga riders na nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.