Price Negotiation Board, itinalaga

Share this information:

Mayroon nang itinalaga na Price Negotiation Board na tututok sa  pagbili ng gamot at iba pang medical devices para sa ipinatutupad na Universal Health Care Act o Republic Act 11223.

Ito ay kasunod ng nilagdaang kautusan o  Joint Administrative Order (JAO) No. 2021-0001 ng Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at ang Department of Trade and Industry (DTI).

Alinsunod  sa JAO, itinatalaga ang Price Negotiation Board bilang tugon sa sa Section 28 ng RA 11223, na ito ang tanging ahensiya na kakatawan sa pamahalaan upang makipagnegosasyon hinggil sa presyo ng mga gamot mula sa isang source.

Inaasahan na maaayos  ang paggastos ng pamahalaan sa pagkakaroon ng Price Negotiation Board sa pamamagitan ng centralized na negosasyon,.

Tiyak din na ang lahat ay  makakukuha ng mura at mataas na kalidad ng mga gamot at mga produktong pang-kalusugan.

Dahil sa kautusang ito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na malulutas na ang mga usapin sa pagbili ng mga gamot ng gobyerno na madalas aniyang nakararanas ng  bid failures, mahinang bargaining power at malawak na pagpipilian ng isang produkto.

Dagdag pa ni Duque na patuloy na tumataas ang gastos ng pamahalaan sa pagbili ng mga gamot, health devices at iba pang health-related commodities lalo na sa hindi inaasahang krisis sa kalusugan gaya ng  COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.