Dagdag-bayad sa mga magta-trabaho sa Chinese New Year at EDSA People Power Day

Share this information:

Makatatanggap ng mas mataas na sweldo ang mga manggagawa sa pribadong sektor na magtatrabaho sa pagdeklara ng piyesta opisyal ngayong Pebrero, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Belllo III.

 Ito ay matapos na magpalabas ang ahensya ng  Labor Advisory No.2, Series of 2021  na nagbibigay ng tamang pagbabayad ng sahod para sa idineklarang special non-working holiday sa Pebrero 12  o pagdiriwang ng Chinese New Year  at sa ika-35 taon  na paggunita naman ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Pinaalalahanan naman ni Bello ang mga empleyado na papasok sa nasabing araw ng holiday na dapat mabayaran ng karagdagang 30 percent ng kanilang basic salary  sa unang walong oras.

Amg kanilang basic wage ay dapat naka-multiply ng 130 percent plus COLA o Cost of Living Allowance.

No-work, no-pay naman kaya kapag hindi pumasok ang isang empleyado sa nasabing araw maliban kung may paborableng polisiya ang isang kumpanya.

Karagdagang 30 percent  ng kanyang hourly rate naman ang idadagdag sa sweldo ng  manggagawa kapag sumobra sa walong oras  ang kanyang trabaho.

Kung nataon naman na araw ng pahinga o day off at pumasok sa araw ng holiday, siya ay babayaran ng karagdagang 50 percent  ng kanyang basic wage sa unang walong oras  at kapag sumobra pa sa oras o overtime, karagdagang 30 percent pa rin ang idadagdag sa kanilang hourly rate.

 Kaya ang komputasyon ay magiging  hourly rate ng  basic wage x 150 percent x 130 percent x bilang ng oras ng trabaho. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Nag-panggap na empleyado ng NBI, arestado sa pangingikil

Wed Feb 10 , 2021
Arestado ang isang indibidwal na nagpapanggap na empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) at nangingikil sa isang NBI clearance applicant. Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric Distor, inaresto ng NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) ang suspek na si  Mark Endaya Cabal sa loob ng NBI headquarters sa Maynila. Nag-ugat ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: