Presyo ng petrolyo at LPG, tataas na naman

Share this information:

SA ika-limang linggong magkakasunod ay muling magpapatupad bukas ng pagtataas sa presyo ng produktong ang mga kumpanya ng langis.

Piso kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina habang P0.85 kada litro sa diesel ng Petron, Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Unioil, Petro Gazz, Seaoil, PTT Philippines, dakong alas-sais ng umaga.

Mauunang magtaas-presyo ng alas-12:01 ng madaling araw ang Caltex sa katulad na halaga. Hahabol sa oil price hike ang Cleanfuel dakong alas-4 ng hapon.

Magmamahal naman ng  P0.70 sa bawat litro ng kerosene ang Shell at Seaoil gayundin ang Caltex.

Ang Petron ay magpapairal ng P0.82 dagdag sa halaga ng LPG at P0.46 sa kada kilo ng AutoLPG, epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Ang panibagong pagtataas sa halaga ng petrolyo ay bunga na rin ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Anim na South Africa, 30 UK variant at mutation, natukoy

Tue Mar 2 , 2021
May natuklasan na ring anim na kaso na may B.1.351 virus o yung South Africa variant ang Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH). Bukod dito, may karagdagang 30 B.1.1.7 o UK variant na mga kaso at dalawang karagdagang kaso ng mutation mula sa ika-walong […]

Follow Us

%d bloggers like this: