Anim na South Africa, 30 UK variant at mutation, natukoy

Share this information:

May natuklasan na ring anim na kaso na may B.1.351 virus o yung South Africa variant ang Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH).

Bukod dito, may karagdagang 30 B.1.1.7 o UK variant na mga kaso at dalawang karagdagang kaso ng mutation mula sa ika-walong batch ng 350  sample na sumailalim sa genome sequencing ng UP-PGC ang na-detect.

Sa kaso ng B.1.351, sa ngayon ay mayroon nang 48 bansa  na iniulat na may naitalang mga kaso. Habang wala ebidebsya na ang variant na ito ay nagdudulot ng severe disease, ang pattern ng mga mutation sa loob ng variant na ito ay nagmumungkahi ng mas mataas na lebel ng pagkakahawa o transmissibility at maaaring magkaroon ng ibang epekto sa pagiging epektibo ng bakuna. 

Sa anim na kaso ng South African variant,  tatlo ang local cases at dalawa ang Returning Overseas Filipinos (ROFs), at isa naman ay patuloy na biniberipika.

Iniulat naman na taga Pasay ang tatlong local case kung saan ang kanilang sample ay nakolekta sa pagitan ng  Enero 27 at Pebrero 13, 2021. 

Dalawa sa local cases ay  61 taong gulang na babae at 39 taong gulang na lalaki na mga  aktibong kaso .

Ang pangatlong  kaso ay isang 40 anyos na lalaki na  nakarekober na, habang dumating naman sa bansa ang dalawang ROF mula United Arab Emirates (UAE) at kasalukuyang biniberipika ang kanilang estado.

Bukod dito bineberipika ng DOH kung ang anim na kaso ay local cases  o  ROF.

Samantala, sa pagsumite ng sequencing data ng 62 original B.1.1.7 kaso sa Global Initiative on Sharing of All Influenza Data (GISAID), ang 5 kaso ay nareclassify  ng GISAID na  kasama sa ibang variant.

Kaya ang kabuuang bilang na ng kaso ng  B.1.1.7 sa bansa ay 57.
kasama ang karagdagang 30  kaso na  natukoy sa huling genome sequencing  batch kaya umabot sa 87.

Sa 30 karagdagang bagong kaso  ng B.1.1.7, 20 ang kaso ay ROFs, 3 ang local cases at 7 ang biniberipika pa kung mga local case o ROFs . 

Ang 20 bagong natukoy na ROF ay pumasok sa bansa mula sa Singapore, Middle East at Amerika noong Enero 20 hanggang Pebrero 16, 2021.

Labing tatlo rito ay asymptomatic, active cases habang ang pito ay  nakarekober na.

Sa kabilang banda, ang tatlong local B.1.1.7 variant case ay mula sa  Cordillera Administrative Region. 

Isang kaso ay aktibong kaso  at na-admit sa hospital, isa ang  nakarekober  at isa ang iniulat na pumanaw.

Ang ugnayan ng 3 mga lokal na kaso sa dating naiulat na B.1.1.7 sa iba’t ibang mga kaso sa rehiyon ay kasalukuyang iniimbestigahan.

Sa kaso naman ng mutation, base sa huling sequencing resukts, dalawang kaŕagdagang samples mula sa Region 7  ang natuklasang may kaparehong  N501Y at  E484K mutations. 

Iniulat din ng DOH na sa karagdagang pagpapatunay, dalawang kaso mula sa Rehiyon 7 na dating naiulat na ang mga mutasyong ito ay naalis na, kung gayon ang kabuuang bilang ay mananatiling nasa 34 na kaso.

Sa kabila ng pagdating ng bakuna at ang matagumpay na inisyal na pagbabakuna, sinabi ng DOH  na ang tamang pagsunod sa minimum public health standards pa rin ang mabisang paraan upang maiwasan  ang transmission at pagkakaroon ng mutasyon.

Nanawagan din ang DOH sa local government units (LGUs) na ipatupad ang mga kinakailangamg hakbang alinsunod sa Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration (PDITR) stratedy.

Hinihikayat  din ang LGUs na maging alerto sa pagmonitor, detect at iulat ang hindi biglaang  spike ng kaso sa kanilang lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Negosyanteng Intsik, pinagnakawan, pinatay

Tue Mar 2 , 2021
Natagpuang patay sa loob ng kanyang tindahan ang isang negosyanteng Intsik kahapon ng madaling araw sa New Market, Brgy. Cuta, Batangas City. Nakilala ang biktimang si Chen Ling Ling, 34 anyos, isang Chinese national at negosyante. Bandang alas 5 ng madaling araw kahapon nang matagpuan ng helper na si Roldan Logronio […]

Follow Us

%d bloggers like this: