4 na naturukan ng COVID-19 vaccine, naospital

Share this information:

NAKARANAS umano ng posibleng side effects ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na indibidwal na naturukan sa unang araw ng roll-out ng national vaccination program ng gobyerno ngayong araw.

Isinugod sa emergency room ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang apat na indibidwal na ayon sa mga doktor  ay pupuwedeng maikonsiderang sintomas ng mild side effects kung mapatutunayan na ang sanhi nito ay ang kanilang tinanggap na shot ng CoronaVac ng Sinovac.

Ngunit hindi rin inaalis ng mga doktor ng posibilidad na ang naranasan nilang sintomas ay dahil sa anxiety o pagkabahala sa pagbabakuna.

Ang isa sa apat na sumama ang pakiramdam matapos mabakunahan ay staff ng VMMC na nagkaroon ng rashes at pamumula ng balat.

Ang isa naman ay lalaking staff ng Department of National Defense (DND) na dinala ng ambulansya matapos na makaranas ng pananakit ng ulo at high blood pressure.

Nagkaroon din ng rashes ang isa pang babaeng personnel ng DND at ang isa ay nakaranas ng palpitations o mabilis na pagtibok ng puso. Sa apat na naitalang kaso ng pagsama ng pakiramdam matapos mabakunahan, dalawa sa kanila ay pinalabas na ng pagamutan habang patuloy na minumonitor ang dalawang iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Presyo ng petrolyo at LPG, tataas na naman

Mon Mar 1 , 2021
SA ika-limang linggong magkakasunod ay muling magpapatupad bukas ng pagtataas sa presyo ng produktong ang mga kumpanya ng langis. Piso kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina habang P0.85 kada litro sa diesel ng Petron, Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Unioil, Petro Gazz, Seaoil, PTT Philippines, dakong alas-sais ng umaga. […]

Follow Us

%d bloggers like this: