Political leader, itinumba sa Malabon

crime scene do not cross
Share this information:

NIRATRAT ng putok ng baril ang isang political leader ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ng isang hindi pa nakilalang suspek Lunes ng hapon, Mayo 2, 2022 sa naturang lungsod.

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Renato Luis, 47 anyos, ng Block 3, KADIMA, Barangay Tonsuya.

Sa ulat na inilabas ni PSSgt. Michael Oben at PCpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, naglalakad noon ang biktima sa KADIMA Basketball Court, Brgy. Tonsuya dakong 3:36 ng hapon nang sumulpot ang suspek mula sa likod at pinagbabaril ang biktima.

Mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang insidente patungong DAMATA Brgy. Tonsuya habang isinugod naman ang biktima ng kanyang pamilya sa nasabing pagamutan.

Mariin namang kinondena ni Cong. Lacson-Noel ang pagpatay sa biktima. “Ang pagkamatay ni Renato “Atong” Luis, isa sa mga masisipag kong leaders mula sa Brgy. Tonsuya na pumanaw sa nakakapanlumong paraan na nag-iwan ng puwang sa puso ng kaniyang mga kamag-anak, mga pinagseserbisyuhang mga Malabonians at sa amin na kaniyang mga kaibigan. Ang mga mabubuti niyang nagawa at kontribusyon para sa ating siyudad lalo na sa kanyang barangay ay kailanman hindi mapupukaw,” pahayag ng mambabatas.

Mula po sa aking puso at ng aking buong pamilya ay aking iniaalay ang aking sinserong pakikiramay at pakikidalamhati sa pagpanaw ng isang mabuting Malabonian at kaibigan,” dagdag pa nito.

Iniutos na ni Col. Barot ang masusing imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.