Police General na ilang buwan naratay sa helicopter crashed sa Laguna noong Marso pumanaw na

MATAPOS ang mahigit pitong buwan na pagkakaratay sa ospital ay tuluyan ng pumanaw si Police Major General Jovic Ramos, na naging kritikal sa naganap na pagbagsak ng sinasakyang police helicopter sa San Pedro, Laguna noong Marso ng kasalukuyang taon.

Binawian ng buhay si Ramos, ang Director for Comptrollership ng Philippine National Police (PNP) ganap na alas 12:07 ng hatinggabi araw ng Martes.

Matatandaan na si Ramos ay naging kritikal matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa San Pedro, Laguna noong March 5, 2020 kasama si dating PNP Chief General Archie Gamboa, ang aide-de-camp nito na si Capt. Kevin Gayramara, ang dating spokesperson na si Brig. General Bernard Banac, Intelligence Director Major General Mariel Magaway at ang dalawang piloto ng Bell 429 na sina Lieutenant Colonel Rico Makawili at Master Sergeant Louie Estona.

Bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter matapos sumabit sa mga kable ng kuryente ilang minuto lamang ang nakakalipas ng mag-take off sa Laperal compound ganap na alas 7 ng umaga.

Patungo sana sa Calamba, Laguna ang grupo ni Gamboa para sa isang command joint conference.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.