IPINAHAYAG ng Department of Health (DOH) ang pagkontra nito sa planong paggamit ng antigen test ng mga botante at iba pang makikilahok para sa May 2022 elections.
Sa isang press briefing, sinabi ni DOH Spokesperson Usec. Ma. Rosario Vergeire, makikipag-usap sila sa Comelec upang talakayin ang plano nito sa darating na halalan.
Dagdag pa nito na sa DOH din naman humihingi ng payo ang Comelec.
Sinabi ni Vergeire na kailangang tama ang pagsusuri upang wala nang duda sa resulta.
Una nang lumutang ang posibilidad na gumamit ng rapid antigen testing ang Comelec para sa mga botante na magpapakita ng sintomas sa kanilang paglahok sa Eleksyon 2022.
(PHOTO CREDIT: pna.govph)

