Pitong rehiyon, apektado na ng UK variant, anim naman para sa South African variant

Share this information:

Nasa pitong rehiyon sa bansa ang apektado na ng UK variant o B.1.1.7.

Ang mga rehiyon na may UK variant ay ang Region 1 (Ilocos region) na may isang kaso, Cordillera Administrative Region (CAR) na may 41 naitalang kaso, apat sa Region 3 (Central Luzon), Metro Manila na may 76 na kaso, Region 4A o CaLaBaRZon na may limang apektado ng variant, Region 6 (Western Visayas) na may isang tinamaan, gayundin sa Region 10 (Northern Mindanao).

Nasa anim na rehiyon naman ang may mga kaso ng  B.1.351 o South African variant.

Kabilang dito ang Region 2 (Cagayan Valley) at Region 3 na may tig-isang kaso, 105 sa National Capital Region (NCR), tatlo sa CaLaBaRZon, isa sa Region 10 at ang Region 6 na hindi natukoy kung ilan ang tinamaan ng South African variant.

Ang lahat ng impormasyong ito ay kinumpirma ngayon ng Department of Health (DOH) sa isang media forum.

Nilinaw ni Dr. Alethea De Guzman ng DOH na lahat ng lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ang apektado ng dalawang variant of concern.

Sa ginawang pagsusuri, lumalabas din na 85 o katumbas ng 23 percent ng mga variant of concern ay mga dumating sa Pilipinas mula sa iba’t-ibang bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.