Gun runner, patay sa engkuwentro sa Bataan

Share this information:

Dead on arrival sa ospital ang isang suspected gun runner matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa Brgy. Mulawin, Orani, Bataan, pasado alas dos ng madaling araw nitong Miyerkules.

Ayon sa ulat mula kay Police Major Alvin Baybayan, hepe ng Bataan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nakilalala lamang ang suspek na si “Alyas Junjun” habang nakatakas ang isa pang kasama nito. 

Isinagawa ang police operation sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Orani MPS sa pamumuno ni Major Ian Revillas at ng CIDG Bataan.

Dagdag pa sa ulat, resulta ito ng isang buwang surveillance base sa impormasyon at intelligence reports na nakalap ni Mulawin Barangay Captain Marvin Dela Cruz. 

Kaagad na nakipagtulungan si Kapitan Dela Cruz sa CIDG Bataan at Orani MPS para mailatag ang entrapment at buy- bust operation. 

Ayon sa CIDG, nang maramdaman ng suspek na pulis pala ang ka-transaksyon ay kaagad itong nagpaputok ng baril kaya’t napilitang depensahan ng mga awtoridad ang kanilang hanay. Ang suspek na napatay ay sangkot umano sa bentahan ng baril, granada, dinamita, ilegal na droga at extortion. 

Nakuha sa crime scene ang isang Magnum. 357 at isang 9-mm pistol. 

Dinala ito sa Orani District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.