Pito, kalaboso sa pagnanakaw ng feeds sa isang farm

Share this information:

LAGUNA–Arestado ang  pitong suspek kabilang ang isang menor de edad  sa pagnanakaw ng halos 82 sako ng feeds na inorder ng isang farm sa Pagsanjan, Laguna kahapon.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Col. Serafin Petalio II ang mga suspek na sina Paolo Dacuya, 26 anyos, driver, residente ng 310 Sampaguita, Lipa City, Batangas; Edmundo Manalo, 38 anyos, driver, residente ng Marasigan St., San Juan, Batangas; Felomeno Almerañez Jr., 31 anyos, residente ng Brgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas; Renan de Castro, 31 anyos, residente ng Brgy. Banay-banay, Padre Garcia, Batangas; Patrick Mañoza, 32 anyos, residente ng  Brgy. Baybayin, Rosario, Batangas; Alexis Biag, 30 anyos, residente ng Brgy. Anibong, Pagsanjan, Laguna at isang menor-de-edad na lalaki.

Nagsumbong sa Pagsanjan Municipal Police Station  ang Americh Dianne Farm  ng Brgy. Anibong Pagsanjan na nagpadeliver ito sa San Miguel Corporation ng 200 sakong feeds para sa kanilang mga alagang hayop.

Nang ideliver sa farm napag-alaman na nakasaad sa resibo na 200 ang kanilang babayaran ngunit nang dumating sa farm ay 118 lamang at nawawala ang halos 82 sako mula sa delivery truck.

Mabilis na inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek at nakakulong na sa  Pagsanjan Municipal Police Station ang mga ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.