Biñan City, handa na ang P150-milyong pondo para sa bakuna

Share this information:

Target ng lungsod ng Biñan, Laguna na mabigyan ng tig-dadalawang dose na bakuna ang kanilang  halos 380,000 household.

Ayon kay Biñan City Mayor Atty. Arman Dimaguila “Gusto naming bakuna ay mura na, epektibo pa.”

Inihayag din ng pamahalaang lungsod na may nakalaan nang P150-milyong pondo para sa bakuna ang lokal na pamahalaan ng Binan

.Ito ang naging isa sa sentro ng talakayan sa naganap na press conference sa Sentrong Pangkultura ng Biñan kahapon sa umpisa ng tatlong araw na pagdiriwang sa ika -11 anibersaryo ng pagiging ganap na lungsod ng Biñan na may temang “Araw ng Biñan 2021: Paghilom at Pagbangon.”

Nabanggit  nito na nagkaroon ng kasunduan o “non-disclosure agreement” sa pagitan ng Biñan City at pharmaceutical firm na AztraZeneca, kung saan mura nilang nabili ang bakuna sa halagang P600 para sa dalawang dose.

Ayon pa kay Mayor Dimaguila, “Nais ko sana na maunang mabigyan ang 5,000 medical  frontliners na siyang nagiging katuwang ng lokal na pamahalaan. Sunod ang mga senior citizen, mga pari, pastor, basurero at mga pulis,” dagdag pa nito.

Inaasahan ng bansa na darating ang 17 milyong bakuna mula sa AztraZeneca na ipapamahagi sa mga local government unit at ilang pribadong sektor bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Ngunit nagkaroon ito ng aberya dahil sa pagbabawal ng European Union sa AztraZeneca na mag-export ng bakuna kung kukulangin ito para sa kanilang mamamayan.

Sinasabi ng ating pamahalaan na hindi maapektuhan ang mga ipapamahagi sa ating bansa.

Pansamantalang ilalagak ang bakuna  sa cold storage ng Unilab, na isang malaking pagawaan ng gamot sa Pilipinas na sakop ng Biñan City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pito, kalaboso sa pagnanakaw ng feeds sa isang farm

Wed Feb 3 , 2021
LAGUNA–Arestado ang  pitong suspek kabilang ang isang menor de edad  sa pagnanakaw ng halos 82 sako ng feeds na inorder ng isang farm sa Pagsanjan, Laguna kahapon. Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Col. Serafin Petalio II ang mga suspek na sina Paolo Dacuya, 26 anyos, driver, residente ng 310 Sampaguita, […]

Follow Us

%d bloggers like this: